Tuesday, January 13, 2009

Jannah lumambitin sa ere! Manuel new Fear Factor record holder


Nakakatakot talaga ang nangyari kagabi sa Power leader na si Jannah. Nalambitin sya sa net ng patiwarik habang ginagawa ang stunt na kailangang tawirin ang ilalim ng lumilipad na helicopter sa pamamagitan ng net. Ang pinaka-madaling makatawid, sya ang panalo. Samantala, hindi pa napapalabas ang kabuuhang nangyari kay Jannah na maari daw talagang maka-apekto sa mga susunod pa na performance ni Jannah sa kumpetisyon.

Samantala, habang nalalagay sa peligro si Jannah, may dahilan naman na mag-saya ang mga fans ni Super Manuel dahil naka-tala na naman ito ng isa pang Fear Factor record. Sa bilis na hindi bababa sa 20 segundo, natawid na kaagad ni Super Manuel ang ilalim ng helicopter, na naging dahilan upang sabihin ng ilan na bunalik na ang totoong Super Manuel.

Si Marion naman, ay hindi nagawang matapos ang buong stunt. Habang pababa pa lamang itong si Marion sa may ilalim ng net, nawala ito sa balanse at nabitiwan ang isang kamay sa pagkaka-hawak sa net, at hindi narin kinaya ng isa nyang kamay na manatili sa net kaya nahulog na ito at hindi na natapos ang buong stunt.

Kahit na hindi matawid ni Jannah ang ilalim ng helicopter, dapat parin itong magsaya dahil may reward naman syang libreng Tawag sa Pilipinas sa kanyang pamilya pag si Manuel ang manguna sa stunt na ito.

Hmmm... Guys, napansin nyo ba? Medyo hindi malinaw ang post ko ngayon noh? Haha... Medyo wala kasi ako sa isip ko ngayon. Birthday ko kasi! Hahaha... Greet nyo ako uyy! Hehehe...

Anyway, Am gonna live you a question. Ano sa tingin nyo ang mangyayari kay Jannah?
Masakit yun ah! Heheh...



5 comments:

  1. wla tlaga ako msvi ky supermanuel bagya tlga sknya ang bnsag s knya... gudluck supermanuel khit mejo gabi n ang pff lagi ko prin to sinusubaybyan dhil lng ky manuel.. go go go SUPER MANUEL

    ReplyDelete
  2. kay janna si guro wala nmng masamang manyayayre dun baka masprain lng ng konti ganun lng, o baka nmn maiwan lng sa ere ung isang paa nya oh ung hita na nya kaya para namn sakanya ang world record na kaunaunahang participante n nawalan ng hita sa isang stunt, hehehehe happy birthday moderator naway ang iyong kaarawan ay maganap sa candy store na masasarap ang hinahain 2lad ng mg anakain ng mga participante. ayus b!!!!

    ReplyDelete
  3. power janna! sana po di cya maalis. may mga guess na ako kung ano ang mangyayari, i cant wait. sana po pahabain ang pff, lagi na lang bitin, sa most interesting parts pa tlga pinuputol, sabagay, ganun tlga, para more suspenseful at aabangan. my wish top 3: manuel, marion & janna! pero like ko lahat ng participantes. parang weird nga, usually sa isang show may di ako gusto, pero sa pff like ko clang lahat, pati mga alaskador, hehe.

    ReplyDelete
  4. at ganun n ang nangyare hndi nmn naiwan ang paa o hita ni janna sa net, bagkus sya ang kaunaunahang participante na naaksidente sa stunt sa ilalim ng helicopter. may saysay p din pla ang paglambitin nya kahit sprain o meron torn ligaments kawawa nmn itong si janna nanganganib na mapauwi sa pilipinas,,, ang resulta sa nasabing stunt: MANUEL-lessthan 20 sec. MARION- lagpak sa tubig. JOMMY- morethan 30 sec. JANNA-nakalambitin sa ere (hehehehe) RJ-lagpak din sa tubig na may kasamng iyak(lagi nlng iyakin tong si RJ may balak kaya syang magartista????!!!) SAVANNA- as usual hndi kaya ang stunt. ang nanalo sa stunt na to ay si SUPERMANUEL at may hawak na record na isa sa pinakamabilis na participante sa stunt na ito... itutuloy

    ReplyDelete
  5. I really want to win supermanuel, he deserve to be the winner. From the very start he got the highest points kumbaga. Dapat my point system ito kung sino yong mag number 1 my 100 points na, kasi pangit naman pakinggan na ang Manalo in the end yong walang record na maganda. Jockpot lang in the end. So dapat ganon....Credit for those who got always a good record.

    ReplyDelete

I know we have a freedom of speech and expression but be responsible! Comments with foul and offensive language are not allowed. The blogger reserves the right to delete inappropriate comments.

nrelate

Page Rank Check RSS feedSubscribe