Friday, November 28, 2008

Jose, pinanggigilan ng mga ahas!


Sa stunt nga na Fear Factor Tank wherein kailangang sumisid ng mga Partisipantes sa kailaliman ng malamig na tubig ng tankeng punong-puno ng maliliit at malalaking ahas, ay pinag-pyestahan nga si Jose ng mga ahas na nasa tubig. Dahil siguro sa kaputian at ka-gwapohan ni Jose, ay pati ang mga ahas ay nanggigil sa kanya. Well, baka napanood nila yung Jose Sarasola alleged video scandal. Hahaha... Hindi ko po napanood yun, pictures lang. Nyok! ^^,

Nagtamo ng dalawang kagat ng ahas ang lider ng pump squad na si Jose na kaagad namang binigyang lunas ng Fear Factor in-house doctors. Although alam nya na wala itong mga kamandag, worry parin daw sya dahil kagat nga ito ng mga ahas. Well, pati naman siguro ako, kahit nga pag-hawak lamang sa ahas ay di ko magawa yun pang pag-langoy sa tubig kasama ang mga ito??? Naahh... ikakamatay ko siguro! Hahaha... Toink.

Sa bagay nga, walang dapat ikahiya ang mga hindi masyadong nagwagi sa stunt na ito lalo na si Phem na halos walang limang segundong nasa tubig ay umatras na at nanginginig at halos tulalang umahon sa malamig na tubig. Akala ko nga nabaliw na eh! Hehe... [exag! ^^,] Hmmm... kung na miss nyo ang episode kagabi, don't worry because i have the solution for you! Ipo-post ko nga yung mga videos episode dito rin sa munting bahay natin mga kapamilya. So just watch out for it! ^^,

Samantala, may ginawa akong mga photo clips sa mga pangyayari kagabi...medyo marami-rami rin ito, at pwede nyo ring kunin at gamitin sa kahit anong rason, wag nyo lang ibenta. Hehe... Enjoy! ^^,















2 comments:

  1. nyahaha...

    kakatawa naman tong article na toh..haha

    go jose, sexy ka parin naman...

    ReplyDelete
  2. jose sna ginalingan mo pra hindi ikaw ang natagkal sa faer factor sna c jommy na lng .......

    ReplyDelete

I know we have a freedom of speech and expression but be responsible! Comments with foul and offensive language are not allowed. The blogger reserves the right to delete inappropriate comments.

nrelate

Page Rank Check RSS feedSubscribe