Wednesday, November 19, 2008

Jommy puro salita lang! Napa-hubad tuloy


Totoo ngang puno lang nang yabang at pang-aasar itong si Jommy na wala namang binatbat kahit sa mga babaeng participantes. Kagabi nga sa Pinoy Fear Factor sa stunt na Coglarse Como Tarzan o Paglipat-lipat sa Lubid A La Tarzan kung saan nga nangulelat itong si Jommy kasama rin si Janna na parehonh hindi naka-tapos sa stunt at may pinaka-maikling naabot na lubid. Sa sa pagiging kulelat ng dalawa, kailangan nga nilang gawin ang isang consequence kung saan kailangan mag-sayaw ng naka-hubad ang isa at magho-host naman ang isa. Pinili ng mga participante na si Jommy ang pagsayawin ng hubad at mag-host naman si Janna.


Samantala, sa stunt na Coglarse Como Tarzan, ang huling participante na sumabak sa hamon na si Manuel naman nag naka-kuha ng pinaka-maikling oras na natawid ang naka-lambiting mga lubid sa oras na 47 segundo, na tinalo ang nauna nang si Marion na may tagal na 50 segundo.

Sa mga Chikas naman, Si Phem ang naka-kuha ng pinaka-mataas na puntos bagamat hindi n'ya natapos ang stunt (Lahat ng mga babaeng participantes ay hindi naka-tapos) nalagpasan naman nya ang pangatlong lubid na natawid ni Savanah.

Sa kabuuhan,narito ang naging score nang mga participantes.

Lj- nakatawid. May oras na 2min.25secs, Marion- nakatawid. May oras na 50 seconds, Ram- hindi nakatawid, Elmer- hindi nakatawid, Jose- nakatawid. May oras na 2min.11secs, Savanah- hindi nakatawid, Phem- hindi nakatawid, Manuel- nakatawid.May oras na 47secs, Janna- hindi nakatawid, Jommy- hindi nakatawid.

Manuel at Phem- naka-kuha ng immunity.
Jommy at Janna- may naghi-hintay na consequence.

Ang susunod na hamon naman ay ang Acrobatic sa helicopter na matutunghayan na mamayang gabi. Pero pa yan, mag aalmusal muna ang mga participantes nang Utak at Mata ng mga Tupa. Hmmm... So yummy! Hahaha. :D


1 comment:

  1. gago kai yang si jommy1 puro dakdak lang. wla naman binatbat talaga.

    f**k you! Jommy Gago.

    ReplyDelete

I know we have a freedom of speech and expression but be responsible! Comments with foul and offensive language are not allowed. The blogger reserves the right to delete inappropriate comments.

nrelate

Page Rank Check RSS feedSubscribe