Thursday, November 13, 2008

Savanah nabastos at nakagat sa Argentina!

Sa episode ng Pinoy Fear Factor kagabi isinalaysay ni Savanah ang kanyang naging karanasan sa Argentina kasama ang ibang Participantes. Isa sa activity ng Dose Participantes ay ang pagsasayaw ng Tango, hindi nga naman kumpleto ang pag-punta mo sa Argentina kung hindi ka sumayaw ng Tango.

Sa activity na yon, si Savanah Lamsen nga ay nabastos! "May lumapit sa amin... Spanish sya kaya hindi namin maintindihan. Akala ko parang nag-aadmire lang. Pero bigla nalang may nagsabing, How Much?...Dun na!" At habang sinasabi raw ito ni Elmer sa ibang mga lalakeng Participantes, kung nagkaroon lang sana ng pagkakataon eh binugbog na nila yon. (Nyok, hindi ko na matandaan kung ano talaga yung exact words nsa sinabi nya, pero eto yung ibig sabighin nun, sa pagkaka-intindi ko. hehe) At sabi ko sa mga boys wag nyo nalang pansinin, baka nga nagagandahan lang talaga sila sa akin (Hahaha...). wika ni Savanah."

At tungkol naman sa istoryang nakagat si Savanah, yep! talagang nakagat sya! Nakagat sya nang talangka. Hehe... Sa second stunt ng mga Participante ito nangyari. Tradisyonal na nga sa mga reality shows ang pagkain o ang pag-dala ng mga exotic and unusual foods gamit ang bibig. At dahil nga Pinoy Fear Factor ito, at hindi hamak na cheapang reality show lang... Ang talangka ang Factor doon. Dapat madala ng mga Participante ang mga naglalakihan at nakaka-diri nga namang mata ng mga baka galing sa isang kahon papunta sa isa. Una nang sumbak sa hamon sina Gail, RJ, Elmer, at Savanah sa stunt. Nag-succeed naman ang unang apat, pero kailangan pang i-check ang kanilang time sa paggawa ng stunt. Pero bago matapos ang episode kagabi, etong si Savanah nasipit nga ng Talangka sa kanyang mukha! Aruuyy! Makawala pa kaya?... Abangan mamayang gabi. Pagkatapos ng I love Betty La Fea! :D

1 comment:

I know we have a freedom of speech and expression but be responsible! Comments with foul and offensive language are not allowed. The blogger reserves the right to delete inappropriate comments.

nrelate

Page Rank Check RSS feedSubscribe